Tuesday, November 2, 2010

Saturday oct 23, 2010 (A Modest Proposal..)

Isang Disenteg Mungkahi ( Na Walang Kinalaman sa Pagkain ng Tao)


Habang pauwing nakasakay sa eroplano kagabi, naisip ko "Alam mo, kulang ang mga tradisyon kung san namimigay ng libro."


Merong World Book Day, na nagmula sa kaarawan ng magaling na Kastilang manunulat na si Cervantes o pista ni San Jorge sa Espanya, kung saan mga rosas at libro ay ipinamimigay. Pero ang talagang kailangan natin ay mga panibagong tradisyon na kung san namimigay ng libro, na ikalat sa buong mundo. 


At naisip ko, sa susunod na linggo na ang Halloween. 


Kaya't
Aking minumungkahi na tuwing Halloween ay magbigayan tayo ng mga nakakatakot na libro.
Bigyan ang mga bata ng mga nakakatakot na librong kaya nila. Bigyan ang mga matatanda ng mga nakakatakot na librong ikakatuwa nila. 


Mga librong tulad ng mga akda nila John Bellairs, Stephen King , Arthur Machen , Ramsey Campbell, M R James,  Lisa Tuttle,  Peter Straub,  Daphne Du Maurier , Clive Barker at daan daan pang iba-- bagong libro  o luma't gamit na,  kilala man o hindi. Magbigay ng nakakatakot na libro para sa Halloween...pakilabutin sila. 

Tuesday, Oct. 26, 2010

Neil Gaiman, Anong Ginagawa Mo Sa Falafel Ko?

Maulan sa labas, hindi malakas pero tuluy-tuloy. Ang hangin ay panaka-naka sa lakas ng kanyang ihip. May mga bagay na di dapat tinatangay ng hangin na natatangay nito. Kaya't nagdadalawang  isip ako kung ilalabas ko ang aking mga alagang aso.
 Sa bawat araw na lumilipas ay gumagaling na si Cabal sa kanyang paglalakad. Si Lola (na halos 8 buwang gulang na) ay napakabilis at parang rocket sa kanyang pagliliwaliw. Parang di yata natutuwa si Cabal sa pangyayaring ito.
Parang di ko pa ko nagsusulat tungkol kay Lola, di ba? Gagawin ko rin balang araw, di nga lang ngayon. Para sa duong nagtataka nahanap namin siya sa Petfinder.com kinuha namin siya para may kasama si Cabal. Mabilis siyang lumaki, matalino at madaling makilala mula kay Cabal dahil sa ang ilong ni Cabal ay pink at ang kay Lola ay itim.
Saglit lang, heto ang picture nung araw na nakuha namin si Lola mula sa Wisconsin Dells. (Please insert picture of Amanda with Lola here)
Hm. Halos imposible na isipin na ganito ka laki si Lola dati. O ganito ka init at may mga dahon pa ang mga puno.
(Kung sino mang nag iisip, "Ang gaganda nila. Sana meron din akong puting German Shepherd. Nangangailangan ang Petfinder.com ngayon ng  mga tahanan para sa 193 Puting German Shepherd. Wag kang kukuha ng puting German Shepherd - o kahit anumang kulay - kung wala kang sapat na lugar para sa kanya, at kungdi ka handang lumabas sa gitna ng masamang panahon para ilakad siya.